Thursday, April 18, 2013

Paano Ako Pipili ng Aking Mapapangasawa?


Ang tanong na ito ay katanungan ng napakaraming tao. Noong unang panahon
hanggang sa ngayon. Ngunit ang tanong na ito ay isa lang ibig sabihin, naghahanap
tayo ng partner sa buhay na gusto nating makasama sa habambuhay. Hangga't maari
ang gusto ng isang babae ay lalakeng guwapo, may kaya sa buhay, mabait,at mapagmahal.
Sa lalake naman ay maganda, marunong sa bahay, mabait, mapagmahal o maasikaso at
masarap magluto siyempre.
Ngunit ang malungkot ay hindi natin mahahanap lahat ng katangiang ito sa isang tao.
Kung kaya't meron nga magka relasyon ang humahanap pa ng iba kahit may karelasyon na. At
ito ay nangyayari sa lahat ng panahon. Maging ang bibliya ay nagsasabi tungkol dito
sa John 8:4-11, Ang babaeng haliparot na gustong patayin ng mga tao sa pamamagitan ng pagbato.
Ngunit nagsalita si Hesus,"Kung sino sa inyo ang walang kasalanan siya ang unang pumukol ng bato,
at unti-unti naglayuan ang mga tao."

Kung gayun ano ba ang sinasabi ng Bibliya sa pagpili ng iyong magiging
partner sa buhay? Ang ilang mga pamantayan ay maaring makatulong sa inyong
mga dalaga at binata pa. Maaaring wala man sa kanya ang lahat ng katangian dito
ay kahit paano makatulong ito sa inyong pagpili.

 Ang mga ilang pamantayan:

1. Piliin ang Opposite Sex.
Kung ikaw ay lalake dapat ay para sa babae. At kung ikaw naman ay babae para ka sa lalake.
Genesis 1:24 ,”Therefore shall a man leave his father and his mother, and shall cleave unto his wife: and they shall be one flesh. “ (Isang pinaka layunin sa pag aasawa ay ang pro-creation magpa tuloy ang lahi ng mga tao.)

2. Piliin ang may takot at pananalig sa Diyos.
Humanap ng partner na may pananalig sa Diyos. Mahirap makakuha ka ng mapapangasawa na masamang tao, kriminal, terorista, atheist(hindi naniniwala sa Dios). Wala itong maituturong mabuti sa inyong magiging mga anak.
2 Corinthians 6:14, “Do not be unequally yoked with unbelievers. For what partnership has righteousness with lawlessness ? Or what fellowship has light with darkness? 

3. Piliin ang mahusay na katuwang sa panganga ilangang Pinansiyal.
Ang pag-aasawa ay hindi puro sarap lamang.  Ayon sa pag-aaral ng US Divorce Rates and Statistics due to Financial Burden:
  • About 31 percent of a person's friends, aged 35 to 54, who are married, engaged or cohabiting have already previously been married.
  • People who have been married many years (say, 35-plus) and have never been divorced have almost no chance of the marriage ending in divorce.
  • The rate of divorce per year per 1,000 people has been declining since 1980.
  • A young couple marrying for the first time today has a lifetime divorce risk of 40 percent, "unless current trends change significantly."
  • The lack of money  is not the only reason that couples may argue over financial matters.  A partner’s spending habits, failure to manage finances  or excessive frugality  can also lead to marital disputes.
    1 Timothy 5: 8,” But if any man does not provide for his own, and especially for those of his household , he has denied the faith  and is worse than an unbeliever.”

    Kapag magkasintahan pa lang ay masarap at masaya. Di pa masyado malalim ang responsibilidad, mga personal na pangangailangan lang ang kailangan mapunan ng bawat isa. Ngunit ang pag-aasawa ay ibang usapan na, ito'y nangangailangan ng maingat na paghahanda. Sa pagplano ng bilang ng mga anak at ng kanilang kinabukasan. Habang lumalaki ang mga anak ay lumalaki ang gastusin. Madami sa mag-aasawa ay sinasabi gusto lang namin ay simpleng buhay lang. Ang tanong ko? Ang mga magiging anak niyo ba? ay gusto ng simpleng buhay lang? Madalas, dahil sa ating mga pagkukulang ay "we justify" yung ating mga kakulangan. Dahil sa mga maling desisyon na nagawa sa pagpili ng mapapa ngasawa.

    4.  May pisikal na atraksyon.
    Huwag natin kalimutan na ang pag aasawa ay desisyong pang habambuhay.  At  ang tao na iyong mapipili ito’y kasama mo na halos sa lahat ng pagkakataon,  Kung ano ang itsura ng kanyang mukha iyang mukha na iyan din ang makikita mo sa unang  pagdilat  ng iyong mga mata  sa umaga, sa tanghali, at bago ka matulog sa gabi o maging sa panaginip o sa buong buhay ng inyong pagsasama.  Ang mukha ng iyong partner ay nakadikit na sa iyong pagkatao at kaluluwa, ang amoy ng kanyang pawis, amoy ng kanyang hininga, amoy ng kanyang paa, ang amoy ng kanyang kili-kili  at maging ang lakas ng kanyang paghilik sa pagtulog.

     At kung ating iisipin din ang itsura ng inyong magiging anak o supling.  Hindi natin sinasabi na huwag umibig sa di masyadong nabiyayaan ng itsura. Ngunit ito ay isang desisyon na kailangan ninyong pangatawanan anuman ang iyong pinili. Sa inyong mga babae ay madali lamang itong gawin. Dahil kayo ang pumipili ng inyong sasaguting manliligaw. Aking nililinaw: Tayo po ay di naghuhusga ng itsura ng tao (this is just an eye opener para sa mga papasok pa lang sa pag-aasawa) pero dapat alam din natin, ang lahat ng bagay sa mundo ay may "free will" may kalayaan ka na pumili ng sa iyong palagay ay nababagay sa'yo at hindi ito desisyong kawang gawa o naawa.

    Song of Songs 1:1-4,” let him kiss me with the kisses of his mouth—
        for your love is more delightful than wine.
    Pleasing is the fragrance of your perfumes;
        your name is like perfume poured out.
        No wonder the young women love you!
    Take me away with you—let us hurry!
        Let the king bring me into his chambers.

     5.  Pagkakapareho halos ng personalidad.
    Nadinig na ba ninyo ang sinabi ng dalawang nag mamahalan sa isa’t-isa,” Ang dami natin halos pareho sa isa’t-isa; paboritong musika; paboritong pagkain;  panoorin;  sports; libangan; pananaw sa buhay; mga pangarap; paniniwala o pananampalataya.  Ito ay isang mahusay na sangkap para sa isang relasyon na maging matatag at masayang pagsasama ika nga nila “Compatibility”.  Ikaw ba ay kanyang napapangiti o napapatawa? Kamusta naman kapag kayo ay nag-uusap? Anu-ano ba ang inyong mga napag uusapan? Makabuluhan ba o puro kababawan?

    6. Pumili ng matatag ang Personalidad..
    Mahalaga sa iyong maging mapangasawa ang matatag at maasahan sa emosyonal na sitwasyon.  Hindi siya natatakot o nalilito sa oras ng mga importanteng desisyon.  Alam niya ang kanyang mga desisyon at handa siya humarap sa anumang resulta ng kanyang mga desisyon na ginawa.  Sinasabi ng bibliya na ang babae ay tinatawag na the "weaker vessel". Kung kaya't mahalaga sa pagpili ng inyong partner ay masasandalan at kaya ka nitong patatagin at hindi pahinain ang iyong loob. Kung mahina ka emotionally? at mahina din ang partner mo? ano na ang mangyayari sa inyo? Aakyat sa mataas na billboard sa Edsa (biro lang).
                  
      Proverbs  15:13,” A glad heart makes  a cheerful face , but by sorrow of heart the spirit is crushed.

    Conclusion: 
    Ang pagpili ng mapapangasawa sabi nga ng matatanda ay HINDI parang isang "kanin na kapag ikaw ay napaso ay iyong iluluwa". Sa mga may asawa, maaaring hindi na nila mababago ang kanilang naging pagpili. Sa mga dalaga't binata naman ay napakalaki pa ng inyong pagkakataon na hindi magkamali sa inyong pagpili. Ang tanging payo ng may akda sa bawat desisyong gagawin ilang libong beses paka-isipin.  Huwag magdesisyon kapag ikaw ay nababalisa, naawa sa sarili dahil nagkaka edad na kahit sino na lang ay puwede na? Natatakot sa sasabihin ng kapamilya o kaibigan, bakit wala ka pang asawa o anak? Huwag dayain ang iyong sarili? Ikaw ay pikit mata mo na lang pipiliin(siya) dahil napasubo ka na. At nanghihinayang ka sa mga panahon na pinagsamahan at sasabihin ng iba "sayang, ang tagal na nila". Tandaan mo? Mas mahaba ang panahon na inyong pagsasaluhan kapag kayo ay mag-asawa na. 

    CHOOSE WISELY!


    Usapang Barbero lamang po!